Monday, March 26, 2012

I must be thankful. HAHAHA ULUL. English english pa DROPPED naman sa Oral and Communication Skills AHAHAHA..

Ewan, hindi sa nag da drama ako or what. Ngayon ko lang naisip na dapat na mag pasalamat pala ako sa kung ano ang mayroon ako bukod sa malinis ang bahay namin, may psp ako na binenta ko na dahil sa kasawaan, nakakakain ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw ang pamilya namin. Ahaha biro lang. Yung walang sawang pag gabay at pag suporta ng pamilya mo at walang sawang pag papa alala sa mga maling bagay na ginagawa mo. Atleast nararamdaman ko pa kung gaano kasarap ang feeling na pansinin ka at utus utusan ka ulit ng mga erpats mo. Na hindi ka matiis ng mga tiyahin mo dahil may bagay kang ginawa na ikinatuwa nila. At masasabi ko na hindi ko pa pala na hindi ko kayang mabuhay nga mag-isa na wala ang mga payo nila. At parang never kong na experience na when it comes to a relationship, na HINDI lang dapat na MAS ipaprayoridad nyo kung anong mas importante sa inyong dalawa lang. Tinuturing ka nya na parang nakababatang kapatid since siya ang mas nakakatanda. The way na sermonan nya ako kanina thru phone. Parang si ate at mga tiyahin ko lang na gusto kong lumubog sa lupa dahil nagi-guilty ako. Hehehe. Ibang iba sa dati, nasanay lang siguro ako na pag ako ang nagagalit walang ibang gagawin yung sinisigawan ko kundi manahimik parang guilty na gumawa talaga ng katarantaduhan. Na hindi man lang kayang depensahan ang sarili niya. Bagkos ako pa ang humihingi ng pasensya sa ginawa kong paninigaw para lang matapos ang digmaan. Salamat na lang at maganda ang pag papalaki sa kanya ng mga magulang nya at eto ako, maswerte. Salamat din ng dahil sa kanya na onti-onti kong na appreaciate ang mga simpleng bagay dito sa mundo at natututunan ko na ulit kung paano magkaroon ng tiwala sa ibang tao. Na hindi lahat, pare pareho. Sino ba namang hindi mag sasabi na etong estudyante na 'to na mukha namang walang patutunguhan sa buhay e sandamakmak na tao ang nag mamahal. Bilib ako sa mga Arkitekt, nagagawa nilang bigyan ng makulay na buhay ang taong pinipili nila. Ewan, siguro sobrang saya ko lang ngayong oras na 'to kaya nag post ako dito na 2 years ago pa ata nung last ako na nag update. Wala ng pumapasok sa isip ko. Salamat sa pag basa sa walang kwentang pinag susulat ko. Gusto ko ng mahiga. :')

No comments:

Post a Comment